‘Sayang na kahapon’ usa ka artikulo sa inyong ubos nga higalang tigsulat nga napatik na sa mantalaang pangtunghaan niadtong hayskol ko tuig 2006, ang maong artikulo minghakot sa daghanang pasidungog sa ‘essay writing contest’ nga gipasiugdahan sa ‘Pambansang Samahan sa Linggwistikang Filipino’ (PSLF) didto sa kaulohan.
“KUNG natapos ko ang aking pag-aaral, disin sana’y mayroon na akong dangal na ihahaharap sayo at ipagyayabang…” isang napakagandang awitin na hindi nakalagpas sa pandinig ni Ikoy nang napahinto siya sa may tindahan upang bumili ng maiinom, bahagya niyang iniwan ang kanyang kariton sa gilid ng tindahan.
Nang marinig n’ya ang awitin ay hindi niya maiwasang isipin ang kanyang kabataan kung bakit ganito lamang ang kahinatnan ng kanyang buhay.
Panganay si Ikoy sa apat na magkakapatid, bagamat karpintero lamang ang kanyang ama at labandera ang kanyang ina ay nakapag-aral naman sila ng sabay-sabay. Dahil panganay siya sa apat na magkakapatid siyempre siya ang inuuna at sunod sa luho kaysa sa kanyang mga nakababatang kapatid.
“Huling taon ko na ‘to sa elementarya, kapag wala akong maipasang proyekto sa matematika ay tiyak na hindi ako makapagtatapos sa pag-aaral,” ito ang kanyang palaging idinadahilan sa tuwing hihingi siya ng pera. Lingid sa kaalaman ng kanyang mga magulang, siya ay minsan lamang pumapasok sa klase. Palaging pasarap at lakwatsa lang ang kanyang inaatupag, kasama ang barkada na palaging pumupunta sa isang restawran para mag-inuman.
Malinaw pa sa kanyang isipan kung paano siya minumura at pinapagalitan ng kanyang ama’t ina dahil sa hindi pag-uwi ng bahay. Nangalap kaagad siya ng isasagot, “Nay, hindi ko matanggihan ang aking kaklase kasi ipinangako niya na siya na lang ang gagawa ng proyekto namin sa Filipino.” Napahinuhod naman niya ang kanyang magulang. Ngunit ang masaklap ay nang malaman ng kanyang ina na sampung beses lang sa isang buwan siya pumapasok sa kanyang klase.
Nadiskubre ng kanyang ina ang di niya pagpasok sa paaralan nang makalimutan niya ang kanyang baon at inihatid ito ng kanyang ina. Mula sa kanyang guro ay nalaman ng kanyang ina na minsan lamang siya pumapasok.
Pag-uwi sa bahay ay isang malakas na suntok ang dumampi sa kanyang pisngi. “Naghirap kami para mapag-aral ka!” sigaw ng kanyang ama. Hindi maintindihan ni Ikoy ang naramdaman niya ng mga sandaling iyon. “Ito ba ang igaganti mo sa aming paghihirap at pagtitiis maigapang ka lang sa iyong pag-aaral?” wika ng kanyang ina.
Dala ang maliit na bagahe at ilang pirasong damit ay naglayas si Ikoy “Sorry, ‘tol maliit lang ang bahay namin” wala ni isa man sa barkada ang gustong tumulong at magpatuloy sa kanya. Tuliro at lungkot ang naramdaman niya sa mga oras na yaon, ngayon lang n’ya napagtanto na sila ay hindi tunay na kaibigan na makakatulong sa anumang oras.
Mula noon ay nagpalaboy-laboy na siya hanggang sa makisapi siya sa mga kabataan na ang ikinabubuhay ay ang pamumulot at maghalungkat ng basura. Nasabi n’ya sa sarili “ito ako kahit apat naputwalong taong gulang ay wala paring pagbabago sa buhay.
Hindi na namalayan ni Ikoy ang oras, nagpatuloy si Ikoy, tulak ang kanyang kariton at lumakad siya patungo sa tabing-dagat. “Nakakainggit tingnan ang pamilyang nagtatawanan habang naghahabulan sa paliligo sa dagat.”
Minsan kasi ay nangarap siyang mag-asawa ngunit walang magkagusto sa kanya dahil sa klase ng kanyang trabaho o mas tamang sabihin na hindi niya kayang bumuhay ng pamilya.
Naalala niya tuloy nang balikan niya ang kanyang mga magulang dalawampung taon na ang nakakaraan at doon nalaman niya na patay na pala ang kanyang ama at lumipat ng tirahan ang kanyang ina’t mga kapatid.
Napaiyak at naawa s’ya sa kanyang sarili ni minsan kasi ay hindi niya naranasan ang umiyak sa kabila ng kanyang problema, ngunit ngayon s’ya ay nanghihinayang at nagsisi. Naalala niyang muli ang narinig na awiting, “kung natapos ko ang aking pag-aaral, disin sana’y mayroon na akong dangal, na ihaharap sayo at ipagyayabang…”
Naglaro sa isipan ni Ikoy ang katagang “sayang”, “kung nag-aaral lang sana ako ng mabuti, hindi sana ganito ang buhay ko na isang basurero.” Napabuntong hininga na lang siya at pinunasan ang mga mata at muling itinulak ang kariton at nasambit niya, “Ahh! Sayang… sayang… at ngayon ko lang napagtanto ang kahalagahan ng pag-aaral!”
(Sa mga komento ug suhestiyon mamahimo ninyong ipaabot kanako pinaagi sa e-mail jeepycompio@yahoo.com ingon man sa 09104227400.)
Saturday, January 2, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment